48

Apr 4, 2021 @ 16:48

May tsansa sa Japan national team! Jaja Santiago target gawing Haponesa

Binunyag ni Jaja Santiago na may offer sa kanya na maging Japanese citizen at posibleng irepresenta ang Japan sa mga international tournament.

Sa panayam ng Volleyball DNA, nilantad ni Jaja na gusto ng kanyang koponan na Ageo Medics na maging ganap na Haponesa ang Pinay volleyball superstar.

“Gusto nila ako mag-stay pa dun at tulungan palitan yung nationality ko,” saad ni Santiago.

Kapag ito’y nangyari, magiging local player na sa Japan V.League si Jaja, at puwede pang hugutin sa national team ng naturang bansa.

Matatandaan sa nagdaang Olympics, dalawang beses nakasama ang Japan sa volleyball event.

Ngunit sa ngayon ay pinag-iisipan pa ni Jaja ang offer dahil nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagiging Pinay.

“May dream ako makapaglaro sa Olympics pero siyempre may pride pa rin naman ako bilang Pilipino,” giit ni Jaja.

“Gusto ko tulungan yung bansa natin na dun sa goal ko na yun, gusto ko kasama yung kapwa Pilipino ko.”

Nagkampeon si Jaja sa Japan V.Cup kung saan winalis ng Ageo Medics ang torneo, kabilang ang championship game kontra NEC Red Rockets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?