477

Dec 5, 2017 @ 15:09
By

May sustansiya sa asim ng kalamansi

Alam n’yo bang sa asim ng bunga ng kalamansi ay may katumbas itong sustansiya na lubos na kailangan sa katawan ng isang tao.

Ang kalamansi ay mayaman sa vitamin C. Mainam itong ihalo sa maligamgam na tubig na may kasamang honey upang malabanan ang ubo at sipon.

Ang pectin content ng balat ng kalamansi ay mainam gamitin upang mapababa ang blood cholesterol sa katawan. Ang vitamin C content naman ay nakakatulong na palakasin ang ating resistensiya laban sa mga sakit. Nakakatulong din ito na mapagaling ang ating mga sugat at maiwasan ang pagkasira ng ating mata.

Ang vitamin C din mula sa kalamansi ay nakakatulong na palakasin ang ating mga ngipin at buto. Nakakatulong ang kalamansi na maiwasan ang pagkasira at pagkabulok ng mga ngipin, pagsakit at pagdudugo ng gilagid.

Ang oil mula sa pinigang kalamansi ay nakakatulong na mapabuti ang ating digestion. Ginagamit ito bilang gamot sa iba’t ibang digestive disorders tulad ng constipation.

Nakakatulong din ang kalamansi upang magamot ang infection sa urinary bladder. Nakakatulong itong alisin ang sakit na nararamdaman kapag umiihi.

Mainam ding inumin ang kalamansi upang bumaba ang timbang. Ang fresh juice ng kalamansi ay nakakatulong maiwasan ang obesity. Uminom lang ng calamansi juice na inihalo sa tubig na may honey, mainam ito dahil mayroon itong phytochemical na nagtatanggal ng mga toxins sa ating katawan at may antibacterial property. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?