40

Mar 10, 2018 @ 17:59
By

May Slaughter o wala, Austria handang-handa

Laro bukas, Marso 11 (Smart Araneta Coliseum)

6:30 p.m. – Ginebra vs. SMB

Inihanda ni coach Leo Austria ang kanyang San Miguel Beermen maglalaro man o hindi si Ginebra big man Greg Slaughter sa kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals.

Itinagay ng SMB ang opener 102-90 noong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum, susubukan nilang ariin muli ang Game 2 bukas sa Big Dome rin.

Alam ni Austria kung gaano kahalaga sa Gins si Slaughter.

“Badly needed nila si Slaughter,” anang coach. “It’s only Greg who can stop June Mar (Fajardo).”

Nag-collapse ang defense kay Fajardo, napabayaan naman ang outside shooters ng SMB tulad ni Von Pessumal na nagpiyesta ng limang 3s tungo sa career-high 18 points.

“I’m waiting for him (Pessumal), breakout game niya ito para sa amin,” dagdag ni Austria. “That’s the reason why he’s with us because we want to spread the floor.”

Nasa all-Filipino conference pa ang bakbakan, nakatanaw na agad si Austria sa magagawa ni Pessumal pagdating ng midseason Commissioner’s Cup.

“Come the second conference with two imports, he could help a lot in our team.”

Naniguro rin si coach Tim Cone na babawi ang kanyang Ginebra, maglaro o hindi si Slaughter.

“We can play better than we played tonight, that’s for sure. With or without Greg,” anang two-time grand slam coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?