By

May sapat na kaalaman ang PDEA kesa PNP sa drug war – Tinio

Sharing is caring!

Kinondena ng mga militanteng kongresista ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa Philippine National Police (PNP) ang war on drugs.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, nakita naman ang kaibahan sa paghawak ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kampanya kontra iligal na droga.

“Mula nang tanggalin sa PNP nabawasan kung ‘di man tuluyang nawala talaga ‘yung nababalitaang EJK, ‘yung “nanlaban” sa drug operations ng PNP,” sabi ni Tinio.

Iginiit ng kongresista na mas may orientation ang PDEA sa kampanya laban sa iligal na droga at patunay dito ang pagpuntirya sa suppliers at mga drug lord imbes na mga hinihinalang drug pushers at adik lamang.

Inihalimbawa nito ang pagkakadiskubre sa kilo-kilong shabu sa kulungan ng drugs queen na si Yu Yuk Lai sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong at pagkakahuli sa anak nitong si Diana Yu malapit sa Malacañang.

“According to PDEA so far sa panahon na hawak nila ang lead sa anti-drug campaign results nila P50M worth of illegal drugs ang nakumpiska, malinaw talaga ibang-iba ang approach, pag PDEA supply, pag PNP ang kanilang figures ilan ang napatay,” pahayag ni Tinio.

Sa panig ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, malagim na pangitain kung mapapasakamay na naman ng PNP ang giyera kontra droga.

Ibig lamang aniyang sabihin nito na magpapatuloy ang state of impunity. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?