55
mayon
Feb 11, 2018 @ 16:11
By

May sakit sa Albay, umabot na sa higit 7 libo

Mahigit pitong libong mga residente sa lalawigan ng Albay ang nagkakasakit na sa mga evacuation center dahil sa halos isang buwan nang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), kabuuang 7,247 na ang mga bakwit na nagkasakit mula Enero 15 hanggang Pebrero 9.

Pinakamarami sa mga nagkasakit ay mga tinamaan ng acute respiratory infection (ARI) na umaabot sa 4,762 o 66 porsiyento.

Naitala naman sa 954 o 13 porsiyento ang nilagnat, habang nasa 614 ang dumanas ng alta-presyon.

Tinamaan naman ng diarrhea ang 390 bakwit habang nasa 325 ang nagtamo ng sugat.

Patuloy ang paalala ng DOH na gumamit ang mga residente ng face mask dahil sa abo na ibinubuga ng bulkan na nagdudulot naman ng negatibong epekto sa baga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?