91

By

May sakit ako? Tsismis yan! – Pacquiao

Pinagtawanan at binalewala lang ni newly-crowned World Boxing Association welterweight champion Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao ang kumakalat na balitang may sakit siya bago pa lumaban noong Hulyo 15 sa inagawan ng titulong si Lucas Matthysse ng Argentina sa Kuala Lumpur.

Pero inamin ng magku-40 na sa darating na Disyembre na fighting senator na sumailalim siya sa routine medical at physical check, na requirement naman aniya para sa lahat ng boksingero bago tumuntong sa ibabaw ng ring.

“I feel fine. I feel great. I thank God for giving me strength everyday and keeping me protected through all the years of my life. Winning by knockout over Matthysse was a bonus,” litanya ni Pacman, na sa 23 taong paglaban nakakopo ng walong world pro title na siya pa lang ang nakagawa sa daigdig.

Kaya pinarating ni Pacquiao kahapon sa kanyang mga fan, kaibigan at pamilya na walang dapat ikabahala dahil mayos aniya ang kondisyon bago at maski pagkaraan ng katatapos na pakikipagbanatan sa Argentinian na nagwakas sa 7th round technical knockout.

Iyon ang 39th KO sa 60 wins sa makulay na career niya. Pero unang KO matapos ang siyam na taon.

“I really wanted to win this fight and I challenged myself so much in training that I pushed myself to the maximum limits of my body,” pag-amin ni Pacquiao. “I always knew that training hardest makes every fight easier.”

Maging ang isang doktor nag-isyu rin ng pahayag para sa tunay na kalagayan ng Pinoy ring icon, na tulad ng Pambansang Kamao klinaro ang mga kumakalat na ulat na may iniinda ngayon si Pacquiao.

Siniwalat naman nina chief trainer Buboy Fernandez at ang strength & conditioning coach Justin Fortune na may mga sinuway pa si Pacman sa bahagi ng kanilang training camp na tinutulan nila pero ang amo pa rin nila ang nasunod na isa rin marahil sa susi sa tagumpay at nagpasayang labis sa kampo nila. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?