119

Aug 8, 2020 @ 16:28
By

May sakit agad? Nikki Valdez inupakan ilang PhilHealth official

Kinumpara ni Kapamilya actress Nikki Valdez sa mga boss niya sa ABS-CBN ang ilang opisyal ng PhilHealth na biglaang nagkasakit matapos matalupan sa Senado ang nangyayaring korapsyon sa ahensiya.

Ani Valdez, bakit iyong mga boss nila sa ABS-CBN kahit walang tulog at pahinga ay laging dumadalo sa mga pagdinig ng Kongreso para maipagtanggol ang kanilang kompanya samantalang ang mga PhilHealth official pasimula pa lang ng imbestigasyon ay nagkakasakit na.

“Yung mga boss po namin sa ABSCBN present sa lahat ng hearings. Mga walang tulog at pahinga maipagtanggol lang ang kumpanya namin. Sa Philhealth di pa nagsisimula ang hearing, maysakit na yung mga tatanungin?” tweet ng aktres.

Na-diagnose si PhilHealth President Ricardo Morales ng diffuse large B cell lymphoma, at kinakailangang sumalang sa chemotherapy.

Maliban kay Morales, sakto rin sa Senate hearing ang pagkakasakit ni PhilHealth CEO Arnel de Jesus ng acute coronary syndrome.

Dahil dito, kapwa hindi makakadalo ang dalawang opisyal sa mga susunod na pagdinig ng Senado kaugnay sa katiwalian sa PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: