6

Sep 15, 2020 @ 16:06
By

May posibleng sign of life sa Venus – astronomers

Natagpuan ang phosphine gas sa atmosphere ng Venus, na nagpapahiwatig ng kakaibang nangyayari roon.

Ayon sa multinational research team na naglabas ng kanilang report sa Nature Astronomy nitong Lunes, ito ay maaaring dahil sa hindi pa tukoy na mga chemical process, o sa presence of microbial-type life sa nasabing planeta.

Sa ating planeta, Earth, ang tanging nadiskubreng chemical process na natural na naglalabas ng phosphine ay sa pamamagitan ng mga biological process.

“We have detected a rare gas called phosphine in the atmosphere of our neighbor planet Venus,” wika ni Jane Greaves, isang professor sa Cardiff University sa UK at lead author sa nasabing report.

“And the reason for our excitement is that phosphine gas on Earth is made by microorganisms that live in oxygen-free environments. And so there is a chance that we have detected some kind of living organism in the clouds of Venus,” aniya pa.

Nilinaw naman ng grupo na “we are not claiming we have found life on Venus.”

Sinabi din nila na kailangan pa ng maraming pag-aaral para suportahan ang kanilang natagpuan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?