45

Oct 6, 2017 @ 9:03

May ‘pork’ pa rin sa budget – Lacson

Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na may nakikita pa rin siyang pork barrel sa proposed P3.767 trillion na 2018 national budget.

“Tuloy pa rin, hinahanap namin tuloy-tuloy. Pero it will run in billions of pesos,” pahayag ni Lacson nang tanungin kung magkano ang nakikita niyang pork barrel para sa susunod na taon.

Sinabi ni Lacson na hindi naman kailanman naging ‘porkless’ ang national budget dahil may mga isinisingit pa rin sa pondo.

“Hindi siya pork-less. Ang budget natin is never pork-less. Even in 2018, meron pa ring pork yan,” saad ni Lacson.

Ang ilan anya sa mga ito ay nailalagay sa mga proyekto sa Department of Social Welfare and Development, Department of Public Works and Highways o sa Department of Agriculture para sa farm to market roads.

Ipinaliwanag ni Lacson na sa sistema ngayon, sa National Expenditure Program (NEP) pa lamang na-identify na ang proyektong ibibigay sa mga kongresista.

Nanganaghulugan anya na sa pagbuo pa lang ng NEP, nakakapag-coordinate na ang Department of Budget and Management (DBM) at mga kongresista subalit mayroon pa ring paglabag sa ruling ng Korte Suprema sa pork barrel issue.

Sa ruling kasi anya ng SC, kailangan pang dumaan sa Local Development Council ang mga proyekto subalit sa ngayon ay hindi ito nangyayari.

Kahapon ay sinimulan na ng senado ang plenary debates sa panukalang 2018 national budget.

Ayon kay Senate FInance Commitee Chairman Loren Legarda , P523.568 billion sa kabuuang budget ay mula sa utang na ang 80% ay mula sa local sources habang 20% sa foreign lenders. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?