24

May 29, 2020 @ 18:11
By

May pinakakonting COVID-19 case sa Davao, binusog ng fried chicken

Bilang pasasalamat ni Davao City Mayor Sara Duterte sa mga residenteng sumusunod sa mandato ng gobyerno laban sa COVID-19, niregaluhan ng alkalde ang mga distrito na nakapagtala ng pinakamaliit na bilang ng coronavirus case.

Tinupad ng alkalde nitong Biyernes ang pangako niyang magbibigay ng 10,000 na fried chicken sa mga distritong may pinakakonting kaso ng coronavirus.

Nagwagi rito ang Cluster 4 at 5 na may limang distrito: Toril, Calinan, Tugbok, Baguio at Marilog.

Pito lang kasi ang COVID-19 case na naitala rito.

Kaya naman binusog ni Mayor Duterte ang mga residente sa Toril, Calinan, Tugbok, Baguio at Marilog ng libo-libong fried chicken at juice na ginanap sa Mintal Gym.

Sa kabila nito, ipinatupad pa rin ang physical distancing sa lugar.

Ayon sa mga residente sa ulat ng ABS-CBN, ang pakikinig sa gobyerno at pagsunod nila sa “stay at home” ang sikreto kaya mababa lang ang positibo ng virus sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?