22

Mar 4, 2021 @ 15:34
By

May peace agreement pero MILF-sundalo nagbakbakan sa Basilan

Pinaiimbestigahan ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang naganap na bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), ang armed wing ng Moro Islamic Liberation Front’s (MILF) sa Sumisip, Basilan noong Pebrero 28.

Sinabi ni Hataman na nagdulot ng takot ang pagpapalitan ng putok ng dalawang kampo na nauwi sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pagkasugat ng isanhg miyembro ng BIAF.

“Ang gusto kong malaman ay kung bakit ito nangyari? Hindi ba ito violation ng peace agreement? While no one has confirmed that these gunmen are members of the BIAF, no one has denied it either. Ano ang motibo nito? Alam na ba ito ng leadership ng MILF? Is this a sanctioned operation or an act of a rogue group of MILF-BIAF members? This should be clear,” ani Hataman.

Kung pagbabatayan ang mga ulat ay masasabi umano na nalabag ang peace agreement dahil lumabas sa kanilang lugar ang BIAF at naglagay pa ng checkpoint.

“Bakit sila pumunta sa isang lugar sa labas ng kanilang area of temporary stay at nag-set up pa ng check points? This is a giant misstep in our road to peace. While we are trying to build confidence in the peace process, these kinds of occurrences do not help us,” wika ni Hataman.

Naipit umano sa bakbakan ang mga residente ng Campo Tres, Punoh Kilale at Kahawaan na lumikas sa pangamba na madamay sa bakbakan.

Humihingi rin si Hataman ng update sa estado ng normalization na nasa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) gayundin sa pagbaba ng armas ng mga miyembro ng BIAF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?