84

By

May pambato na! Romualdez suportado ni Duterte sa pagka-VP

Tatlong taon pa bago ang 2022 national elections, ngunit may ieendorso na agad si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-Bise Presidente.

Ito ay walang iba kundi si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez.

Ayon kay Duterte sa panayam sa Daily Tribune, kung sakaling tumakbo si Romualdez sa second highest position sa bansa ay handa siyang ibigay ang buong suporta niya sa kongresista.

“Romualdez is my VP,” saad ni Duterte. “He is a good person, if he wants it then I will support him.”

Sa ngayon, si Romualdez ay nagparaya sa sa pagka-House Speaker, sinunod ang kagustuhan ni Duterte at inedorso sa pagka-Floor Majority Leader ng 18th Congress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?