270

May 17, 2019 @ 12:05
By

May pag-asa! Political dynasty sa ‘Pinas nalulusaw na

Sa nagdaang eleksyon, hindi lamang ang pagkapanalo ni Vico Sotto bilang Pasig mayor at ang pagkuha ni Francis Zamora sa tiwala ng mga taga-San Juan City ang nagpahinto sa political dynasty sa ilang lugar sa bansa.

Sa tweet ng Inquirer columnist na si Manuel Quezon III, isang Ateneo prof ang sinabing may pag-asa pa ang bansa dahil sa maraming mga siyudad ang probinsya ang sumubok nang wakasan ang political dynasty sa kanilang mga lugar.

Una na ay ang nakakagulat na pagkatalo ni Ex-VP Jojo Binay sa kanyang balwarte sa Makati, na pinataob ni Romulo ‘Kid’ Peña bilang 1st District Representative.

Ilan pa sa mga naputol na dynasty ay ang mga Hagedorn sa Palawan, Gordon at Magsaysay sa Zambales, Osmeña at Durano sa Cebu at Ecleo sa Dinagat Island.

Ilan pa ay ang mga Javier sa Antique, Plaza sa Agusan del Sur, Jalosjos sa Zamboanga del Norte, at Lobregat sa Zamboanga City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?