19

May naparusahan nang pulis sa drug war – PNP-IAS

Sharing is caring!

May naparusahan na ang Philippine National Police (PNP) sa mga pulis nito kaugnay sa naging paglabag sa mga operasyon kontra iligal na droga.

Sinabi ito ni PNP-Internal Affairs Service (IAS) chief Inspector General Alfegar Triambulo sa pagpapatuloy ng oral arguments sa war on drugs ng PNP sa Supreme Court (SC).

Ito’y sa kabila umano ng mga kritisismo sa pambansang pulisya na walang ginagawa upang parusahan ang mga pulis na lumabag sa kampanya kontra iligal na droga.

Aniya, nasa 125 na pulis na ang kanilang naparusahan mula pa noong Hulyo 2016 hanggang nitong Nobyembre 2017.

Ang iba umano dito ay nasibak sa tungkulin habang mayroon din na nasuspinde at hindi pinasuweldo.

Tumanggi naman ang opisyal na tukuyin ang mga partikular na paglabag na ginawa ng mga naparusahang pulis.

Ang PNP-IAS ang siyang nag-iimbestiga sa kasong administratibo ng PNP kung may mali sa operasyon nito saka magrerekomenda ng parusang ipapataw sa mga kagawad na may pagkakamali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?