17

Aug 12, 2020 @ 16:26
By

May nagsisipsip lang! Duterte walang papel sa malaking pondo ng Davao Hospital – Zubiri

Naniniwala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nakakuha na malaking share mula sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

“I don’t think the President had asked them to put the money in Davao, those Davao City hospitals, I don’t think he’ll do that,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa ANC.

“Baka mayroong nagsisipsip lang kay Pangulo, maybe that’s one,” dagdag nito.

Ayon ay Zubiri, justifiable naman umano ang P326 milyong IRM fund na natanggap ng SPMC dahil sila ang gumastos sa COVID-19 testing at gamot sa rehiyon sa kalgitnaan ng pandemya.

“Maybe they have accumulated over time a lot of expenses and they’re being paid that amount. It’s justifiable,” ani Zubiri.

Pero para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, wala siyang nakikitang ‘justification’ sa pag-release ng IRM fund sa SPMC sa bayan ng pangulo.

“I have not seen the justification but just in terms of being surprised, yes I am surprised,” ayon kay Drilon.

“Maybe it can be justified, I haven’t seen though at this point how this happened,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?