130

Oct 31, 2019 @ 11:01
By

May nag-tap out! Towns, Embiid nagbangasan ng mukha!

Literal na aksyon ang nangyari sa laban ng Philadelphia at Minnesota.

Sa third quarter, lamang ang 76ers ng bente, 75-55, biglang nagsitakbuhan ang mga teammate nina Karl Anthony-Towns at Joel Embiid sa kabilang dulo ng court.

Tumambad ang dalawa na nag-aaway na pala, nakahiga si Towns habang tila naghahanapan ng mukha ang dalawa para banatan.

Hindi batid ang pinag-ugatan ng away, ngunit bago ito mangyari ay naisahan ni Embiid si Towns sa isang fade away shot, sa kabilang dulo ay naagaw ang bola sa Minnesota star sa double team ni Embiid.

Bukod pa rito, napansin na sinundot ang mata ni Towns ni Embiid, na kahit sa MMA ay bawal.

Ngunit hindi lang ang dalawa ang naging usap-usapan, pinansin din sa social media ang chokehold ni Ben Simmons kay Towns na tila napa-tap out pa ang huli.

Dahil sa banatan, ejected sina Towns at Embiid at inaasahan ang multiple day suspension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?