80

Jun 21, 2020 @ 15:00
By

May muntik masuka! Alden hinamon si ‘Daddy Bae’ sa inuman

Kumasa sa ‘drinking challenge’ ang tatay ni Alden Richards na si Richard Faulkerson ngayong Father’s Day.

Sa Instaram video ni Alden, makikita ang drinking session ng mag-ama, ngunit imbes na alak ay tubig ang nilaklak.

“Dad ko talaga tsaka ako malakas kami uminom. Sobrang lakas kami uminom so dad ready ka na?” saad ni Alden sa kanyang caption.

Parehong naka-dalawang bote sina Alden at ‘Daddy Bae’, ngunit nang makalahati na ng huli ang kanyang ikatlong bote ay nagsimula na itong maduwal.

Dahil dito ay sumuko na si Alden at binigay sa kanyang ama ang panalo.

View this post on Instagram

Guess who won? ?? #HappyFathersDay! @daddy__bae

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?