70
May Molde o wala, FEU igagapos ng UP
Apr 5, 2019 @ 15:00
By

May Molde o wala, FEU igagapos ng UP

Mga laro sa Sabado/Abril 6:

(Araneta Coliseum)

2:00pm – UST vs UE

4:00pm – UP vs FEU

Hindi panghihinaan ng loob ang University of the Philippines (UP) Lady Maroons sakaling hindi pa makalaro ang isa sa mga inaasahan ng koponan na si open spiker Isa Molde sa pagharap nila sa Sabado, April 6, kontra katablang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws alas-kwatro sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 women’s volleyball second round eliminations sa Big Dome.

Magkakabuhol sa third hanggang fifth spot ang UP at FEU maging ang pahingang University of Sto. Tomas sa magkakaparehong 6-4 panalo-talo marka kaya attack mode pa rin ang Lady Maroons kung hindi man makasalang si Molde, na game time decision ayon kay coach Godfrey Okumu.

“Hopefully she (Molde) will maybe dress up and come in, maybe as a sub. We don’t know but we’re hoping against hope that she’ll be able to play,” kwento ni Okumu.

Kinayod ng Diliman-based squad noong Miyerkoles, Abril 3, ang 25-23, 20-25, 25-23, 24-26 laban sa University of the East (UE) kahit hindi naglaro si Molde, na na-injury sa paa sa laban kontra Ateneo noong Marso 30.

Samantala, galing naman sa pagkalugmok ang Recto volleybelles matapos idemolis ng Ateneo Lady Eagles via straight sets 21-25, 10-25, 18-25 sa nitong Abril 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?