32
ABANTE TNT boc customs system comissioner lapena
Jan 9, 2018 @ 9:56
By

May malawakang balasahan sa BOC – Lapeña

Inihayag Commissioner Isidro Lapeña na magpapatupad siya ng balasahan sa Bureau of Customs (BOC) para matapos na ang korapsiyon at matigil na ang tinatawag na “suki system” sa ahensiya.

Binalaaan pa ni Lapeña ang mga kawani ng Customs na tatanggalin sa kanilang trabaho ang sinumang masasangkot sa katiwalian.

“Meron pa kasing nangyayari diyan sa ‘suki system’, Meron pa ring matitigas ang ulo … We know you. In fact, expect a major reshuffle coming your way,” pahayag ni Lapeña sa flag raising ceremony noong Lunes sa BOC.

“If you think you can do it na walang mangyayari sa inyo, you are wrong because we know you, and there will be a movement—a big movement,” the BOC chief noted.

“I will keep on doing that as long as it takes… The only way for this to stop is for us to do things the right way,” he said.

Umupo si Lapeña bilang Customs commissioner noong Agosto 30, 2017, kapalit ng kontrobersiyal na dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?