22
jv-ejercito
By

May ‘mafia’ sa gov’t housing projects – Ejercito

Sharing is caring!

May hinala si Senador Joseph Victor Ejercito na may sindikato sa likod ng diumano’y pagpapatupad ng mga government housing programs para sa mga biktima ng sakuna.

“The presence of a mafia-like gang is not remote because wrongdoings in projects like housing will not happen without the collusion and manipulation of erring officials and cheating contractors,” pahayag ni Ejercito sa isang statement.

Sa Lunes, pangungunahan ni Ejercito, chairman ng Senate Urban Planning, Housing and Resettlement, ang imbestigasyon kaugnay sa alegasyon ng iregularidad sa housing projects ng gobyerno.

Kabilang sa gigisahin sa Senado ay sinaNational Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalda Jr., NHA-Visayas Area Manager Grace Guevarra, NHA-Eastern Visayas Regional Manager Rizalde Mediavillo, NHA-Zamboanga City District Manager Al-Khwarizmi Indanan, at NHA-Mindanao Area Manager Ma. Alma Valenciano.

“Kung talagang may sabwatan, we need to unmask these corrupt officials and crooked developers. Parang mafia na tahimik dahil nakikinabang sa iligal na gawa,” sabi pa ni Ejercito.

Nauna nang ibinunyag ni Ejercito na ‘sub-standard’ ang materyales na ginamit sa “Yolanda” housing units sa Tacloban City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?