By

May Kawhi o wala, Kerr handa vs Spurs

Sharing is caring!

Dedma lang ang Golden State kung biglang susulpot at maglalaro sa first round ng playoffs si San Antonio star Kawhi Leonard.

Kahapon sa Twitter ay kinumpirma ng Spurs (@spurs) na wala si Leonard, at least sa Game 1: “INJURY REPORT: Kawhi Leonard (return from injury management) is out for tomorrow’s Spurs-Warriors game.”

“We do not expect him to play,” ani Warriors coach Steve Kerr, bago natatawang dinagdag: “If he does, we’ll be completely caught off guard.”

Si Leonard ang best player ng San Antonio. Matinding scorer ang 6-foot-7 forward, posibleng pinakamatinik pang one-on-one defender ng liga.

Pero nakasiyam na laro lang ngayong season si Leonard, at misteryoso ang pagkakatengga nito dahil sa quadriceps injury. Ang nakaka-intriga, hindi nagbigay ng timetable ang Spurs kung kailan ito babalik pero hindi rin naman nila tuluyang inaalis sa lineup.

“Whoever they put on the floor, that’s the team that’s going to compete no matter what,” giit ni Warriors power forward Draymond Green. “That’s on them. I’ve got to be ready to play no matter who is out there on the floor.”

Sumasailalim sa light running at shooting drills si Stephen Curry, nasa practice facility din ng Warriors pero hindi pa handang bumalik mula knee injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?