34

Mar 2, 2020 @ 17:39
By

May kasong droga at pagnanakaw, binutas ang ulo

Patay sa pamamaril ang isang lalaking dating may mga kasong iligal na droga at pagnanakaw sa Batangas City.

Sabog ang bungo dahil sa tama ng bala sa ulo nang madiskubre ang katawan ng biktimang si Von Gerbie Austria, 33.

Ayon sa Batangas City police, nangyari ang pamamaril sa Villa Precy Subdivision sa Barangay Kumintang Ilaya habang ang biktima ay nagmamaneho ng motorsiklo alas-7:00 ng gabi.

Isang suspek na armado ng kalibre .45 baril ang lumapit dito at binaril ito sa ulo.

Agad ding tumakas ang hindi nakilalang suspek.

Narekober mula sa biktima ang isang sachet ng shabu.

Batay sa record ng pulisya, dati na itong naaresto sa kasong iligal na droga noong Agosto 2017 at may kaso rin itong robbery noong Mayo 2018.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?