15

Apr 27, 2021 @ 17:59
By

May kapansanan dedo sa sunog

Nasawi ang isang lalaking person with disability (PWD) sa mahigit isang oras na sunog sa Barangay Olympia, Makati City.

Ayon sa “Balitanghali” report nitong Martes, naiwan sa ikalawang palapag ng bahay ang 25-anyos na biktima noong Lunes.

Sabi ng pinsan ng biktima na si Gigi Martinez, sinubukan nilang iligtas ang biktima ngunit nilamon na ng apoy ang kanilang bahay. Patay na nang datnan ng mga awtoridad ang biktima.

Nasa 12 bahay ang natupok matapos mahirapan ang mga bumberong maapula ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Sa ngayon ay inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?