9,646
May isang bansa interesadong patayin ako - Duterte
By

May isang bansa interesadong patayin ako – Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang bansang interesado sa kanyang buhay.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa 9th anniversary ng Mindanao Development Authority at 25th anniversary ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sa Davao City ngayong gabi (Pebrero 19).

Ayon sa Pangulo, malaking kagaanan sa kanya kung patayin siya ng hindi pinangalanang bansa dahil matatapos na aniya ang istorya ng kanyang buhay.

Hindi lingid sa Pangulo ang mga banta at nag-iinteres sa kanyang buhay dahil sa mga ipinatupad na pagbabago sa bansa gaya na lamang ng kampanya sa iligal na droga at korapsiyon.

“Alam mo, sinabi sa akin na one country is interested to kill you. So be it. I welcome it with relief, that ends my story in this planet,” anang Pangulo.

Matatandaang inihayag ng Presidente sa isa sa kanyang talumpati na balak siyang patayin ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika at pabiro pang tinukoy na ilan sa kanyang miyembro ng gabinete ay galing sa CIA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?