183

By ,

May ibubuga pa ako! – Tiu

Oras sa pamilya at sa negosyo, ‘yan ang dalawang dahilan kung bakit pinili ni Chris Tiu ang mag-retire sa PBA matapos ang anim na taon sa Rain or Shine.

Sa blog na isinulat ni Tiu na may title na ‘One Last Ride’ noong Miyerkoles, sinabi nito na kaya pa niya ang dalawang season pa siya sa PBA pero mas pinili nito na magretiro para mas mapagtuunan ng pansin ang kanilang negosyo at kanyang pamilya.

“To be honest, I think I have at least one or two more productive PBA seasons left in me. But at the same time, I want to channel my current energy and enthusiasm into other projects that are sustainable and have positive impact to the community, some new and some which we have started years ago,” sabi ni Tiu.

“I believe it’s about time I start a career as a full-fledged businessman and live up to my commitment to the family. At the same time, we have an infant and a toddler who are growing incredibly fast. I want to cherish every moment with them and give them my full attention while I can.”

Sa parehong blog, inamin ni Tiu na masaya siya na sa Rain or Shine niya ginugol ang anim na taon niyang paglalaro sa PBA dahil ang family atmosphere at pagiging simple ng team ang pinakagusto niya dito.

“There were certain turns of events which landed me at the 7th pick with ROS in the PBA draft. For several years, I learned to accept my new role playing as back-up to Paul Lee and tried to contribute to the cause of the team by doing the little things. In spite of that, I feel I could not have asked for a better team to spend my PBA career with,” dagdag ni Tiu.

“What struck me most about Rain or Shine was the sense of family within the organization, which allowed us to enjoy playing the game even more. Another is its simplicity, giving proof that an underdog can stay competitive, even without the glamor.”

Nagpasalamat din si Tiu sa lahat sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na nakapaglaro din siya sa men’s national basketball team, si Tiu ang isa sa mga original members ng Gilas Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?