23

Jun 24, 2022 @ 16:54
By

May HIV-AIDS dapat bigyan ng PWD card—Guanzon

Dapat umanong bigyan ng persons with disabilities (PWD) card ang mga taong nahawa ng HIV-AIDS.

Ayon kay dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon hindi lahat ng lokal na pamahalaan ay nagbibigay ng PWD cards sa mga taong mayroong HIV-AIDS.

“That is a grave illness, that is chronic illness why are you not (giving PWD cards)… that’s the trouble,” sabi ni Guanzon sa isang panayam sa telebisyon isang araw matapos itong manumpa sa tungkulin bilang kinatawan ng P3PWD party-list sa 19th Congress.

Aapela rin umano si Guanzon sa League of Cities of the Philippines and League of Municipalities of the Philippines upang linawin sa kanilang mga miyembro ang pagbibigay ng PWD card sa mga may HIV-AIDS.

Ang PWD card ay magagamit upang mabigyan ng diskuwento sa binibiling gamot, pagkain at kinakailangang serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?