62

May 17, 2020 @ 19:13
By

May hawaan sa inuman! Sherwin Gatchalian kontra sa pagtanggal ng liquor ban

Hindi kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian ngayong tinanggal na ang liquor ban sa ilang lugar sa Metro Manila.

Reaksyon ni Gatchalian, hindi umano magandang ideya na payagan na uminom ng alak ang publiko dahil magreresulta lamang ito sa pagkakahawa sa COVID-19.

“This is not a good idea. Drinking is a social activity. And you when you socialize at this time, you get infected,” giit ng mambabatas.


Ilan sa lugar na nagtanggal na ng liquor ban ay ang Quezon City, Pasay, Caloocan at Marikina matapos malipat ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine nitong Sabado.

Sa Valenzuela naman, kung saan kasalukuyang alkalde ang kanyang kapatid na si Rex Gatchalian, ay pinapatupad pa rin ang liquor ban.

“Hindi lang sorry kids, Sorry Rex din! Still no beer!” tweet ni Rex.

“Last time my body had some form of alcohol was March 11, was invited to have drinks with our Barangay Officials of Punturin pero that night pa lang we knew things were going to get rough, yan ang night WHO said pandemic na eto,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?