11
gun-ban-marawi
By

May gun ban sa Marawi kahit walang eleksiyon – Comelec

Sharing is caring!

Hindi magkakaroon ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Marawi City.

Ngunit ayon sa Commission on Elections (Comelec), hindi mangangahulugan na exempted na ang lungsod sa ipinatutupad na election gun ban at checkpoints sa buong bansa.

Sinabi ni James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, umiiral naman kasi ang martial law sa Mindanao.

“Gun ban and checkpoints are being enforced in Marawi and the whole Mindanao pursuant to the adopted joint operational guidelines in the implementation of martial law,” sabi ni Jimenez.

Noon pa lang Enero sa pamamagitan ng en banc resolution ay inanunsiyo na ng Comelec na hindi magkakaroon ng barangay at SK elections sa Marawi City bunga ng pagkakasira ng lungsod matapos ang limang buwan na digmaan sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at Maute group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?