1,714

Dec 7, 2021 @ 19:17
By

May giyera? Watawat ni Robin binira

Napukaw ang atensiyon ng mga netizen sa baliktad na pag-display ni Robin Padilla sa bandila ng Pilipinas.

Sa kanyang Facebook page, ipinost ng aktor ang watawat kung saan nasa kaliwa ang pulang bahagi, na ginagawa lang sa panahon ng giyera.

Pero ani Robin, huwag na raw kuwestiyunin ang pagkakaayos niya ng kanyang personal na bandila.

“Wag niyo na po kwestiyonin ang pagkakaayos ko ng aking personal na bandila natin na Baon ko sa aking paglalakbay, personal ko po itong motibasyon sa sarili ko na Pagkatapos magdasal ng fajr ay maglupang hinirang sa ganyang pagkakaayos ng bandila,” ani Robin.

“Yan po ang aking inspirasyon sa araw araw upang hindi ko po makalimutan na ako ay nasa gera laban sa kahirapan, korupsyon at kolonisasyon. Pansarili ko lamang po ito. Pagdating sa mga publikong pagtitipon o proyektong pangpubliko Asul ang mando,” dugtong niya.

Ilang netizen naman ang nag-comment kung mayroon daw bang giyera dahil sa pagkaka-display niya sa watawat.

Kano Sevilla: “Suggest lang po Tol Robin, dapat pag nakasabit sa dingding ang watawat na ganyan ang paglagay, pag nakaharap ka sa watawat, dapat ang red ay sa kanan mo at ang blue ay sa kaliwa mo! Medyo mali po yan ang paglagay! Dapat ganito paglagay!”

Norven R. Maximo: “Senator Robin gyera na ba.”

Ronaldo Banta: “Giyera talaga yang flag Kasi NASA kaliwa Yung red.”

Sagot ni Robin: “Opo matagal na pong deklarado gera laban sa kahirapan, gera laban sa korupsyon, gera laban sa kolinasyon, Araw araw sa pag awit ko ng lupang hinirang ganyan ang pagkaayos ng aking bandila. Inspirasyon ko yan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?