193
alfonso-cusi
By

May gas, oil reserves sa Cebu – DOE

Sharing is caring!

INANUNSIYO ni Energy Secretary Alfonso Cusi na may sapat na imbak ng natural gas at langis sa Cebu.

Isinalarawan ni Cusi na ‘commercial quantities’ ng gas at langis sa Alegria Oil Field.

Una nang pumirma ang DoE at China Intl Mining Petroleum Company Ltd., (CIMP Co Ltd) ng Declaration of Commerciality ukol sa imbak ng natural gas at langis sa naturang bayan sa Timog Cebu.

Hawak ng CIMP Co. Ltd., ang Petroleum Service Contract na sumasakop sa Alegria Oil Field.

Nabatid na noon pang 2009 nagsimula ang exploration sa lugar.

Tinataya na may 27.93 milyong bariles ng langis sa lugar at maaring magkaroon ng production recovery ng 3.35 milyong bariles o 12 porsiyento ng nakaimbak na langis.

Sa natural gas naman, nadiskubre ang 9.42 billion cubic feet at 70 porsiyento nito ang maaring makuha.

Sa pagtataya, aabot hanggang taon 2037 ang produksyon ng langis sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?