16

Sep 26, 2020 @ 0:07
By

May forever! VP Leni wala nang balak magka-love life

Para kay Vice President Leni Robredo, wala nang makakapantay sa pagmamahal na binigay sa kanya ng yumaong Interior Secretary na si Jesse Robredo.

Nang matanong ang Bise Presidente sa ‘Basta Batas’, sinabi nito na para sa kanya ay nakamit na niya ang ‘best husband’ kay Jesse.

“I’ve been blessed with the best husband. Tingin ko hindi na ako magiging masuwerte ulit,” ayon kay Robredo. “I’ve had enough love to last me a lifetime.”

Nabiyuda si VP Leni noon pang 2012 nang maaksidente sa plane crash si Jesse.

Aniya pa, wala na rin siyang oras na makipag-date pa sa iba at hindi rin nakikita ang sarili na may kasamang ibang lalaki sa kanyang buhay.

“Number 2, sa dami ng trabaho ko, may panahon pa ba akong mag-date? Sa akin, unimaginable for me — kahit hindi ako VP — to still be with another person. Hindi ko ma-imagine to be with somebody else,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?