19

Nov 22, 2021 @ 17:14
By

May COVID sa ‘Pinas, 19K na lang

Sa ikalawang pagkakataon, nagtala ng pinakamababang daily number of COVID case sa bansa matapos 984 katao lamang ang magpositibo nitong Lunes.

Dahil dito, bumagsak pang lalo ang aktibong kaso sa 19,798.

Ito ang pangalawang pinakamababang daily number of case na iniulat matapos ang 849 COVID case noong November 16.

Samantala, dagdag 218 indibiduwal ang bagong namatay sa virus na nagpataas sa death toll sa 47,288.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,