129

Mar 6, 2020 @ 11:53
By

May cover-up sa COVID-19 outbreak sa PH – mga netizen

Pinagtatakpan lang, ayon sa ilang netizen, ng pamunuang Duterte ang mga kaso ng new coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ito, matapos mapaulat na dalawang dayuhan (tig-isa mula Australia at Taiwan) ang nahawa sa coronavirus matapos manggaling sa Pilipinas.

Hindi tuloy maiwasan ng marami na sabihing may tinatago ang gobyerno hinggil sa tunay na lagay ng coronavirus outbreak sa bansa.

Komento ni @josh__borja: “C O V E R U P”

Tugon naman ni @ninyandrogynous: “media black out”

https://twitter.com/yanggooori/status/1235757581487890433?s=20

Giit pa ng ibang netizen, paanong parami nang parami ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga kalapit nating bansa, ngunit tengga lang ang datos sa ‘Pinas.

Himutok pa ng ilan, baka ayaw lang ng gobyernong mag-panic ang mga Pinoy sakaling dumarami nga ang nahahawa sa naturang sakit sa bansa.

Sa ngayon, ayon sa Department of Health, wala pang naitalang kaso ng local transmission sa bansa.

Ang tatlong nagpositibo sa ‘Pinas ay pawang mga Chinese national na galing sa Wuhan City, China, na pinagmulan ng virus outbreak.

Sa DOH tracker din sinasabing dumarami ang mga person under investigation (PUI) na pinapalabas sa mga ospital matapos magnegatibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?