84

Dec 8, 2019 @ 17:52
By

May chance sa back-to-back Miss U! Pia kumpiyansa kay Gazini

Naniniwala si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na mapapasakamay muli ng Pilipinas ang Miss Universe crown.

Todo ang suporta ni Queen P sa pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados, na malalaman na bukas, Disyembre 9, kung sino ang papasahan ni Catriona Gray bilang bagong Miss Universe.

“Good luck kisses from me to you!” ayon kay Pia sa Instagram. “The whole Philippines is rooting for you @gazinii and I always got your back girl!”

“You were born to do this. Go get that crown.”


Sa isa pang post ni Pia, sinabi nito na may tsansa bukas na ideklara ang back to back win sa Miss Universe, pinapakita ang malaking kumpiyansa sa Talisay, Cebu native na si Gazini.

“Weather forecast: Cloudy with a chance of a back to back win at Miss Universe,” aniya pa.

Hindi makakadalo sa coronation night si Pia sa Atlanta, Georgia, dahil sa commitment nito para sa isang travel show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?