2
views
dot
By

May Bora o wala, 7.5M turista dadating sa bansa – DOT

Sharing is caring!

Nananatili ang kumpiyansa ng Department of Tourism (DOT) na maaabot pa rin ang target na bilang ng mga banyagang turista na dadalaw sa bansa ngayong taon sa kabila ng ilang buwan na pagsasara ng Boracay.

Ayon kay Tourism Sec. Wanda Teo, nananatili ang 7.5 milyong target sa kanilang ‘tourist arrivals’.

Ibinahagi nito na marami sa mga dapat na pupunta sa Boracay ay tutuloy pa rin sa pagbiyahe sa Pilipinas at nagpa-rebook na lang ang mga ito ng pagbisita sa Cebu, Bohol at Palawan.

Dagdag pa nito, may mga ipinagpaliban lang ang pagpunta sa Boracay at inilipat ang kanilang booking sa muling pagbubukas ng isla, ang nangungunang tourist destination sa bansa.

Sinabi pa ni Teo na may mga plano na sila para sa re-opening ng Boracay at kabilang na dito ang pagsasagawa ng mga malalaking event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?