45

Jun 22, 2022 @ 22:03
By

May bonggang tsikot, bahay sisilipin ng BIR

Gustong silipin ni Bureau of Internal Revenue (BIR) chief-designate Lilia Guillermo ang tax record ng mga indibiduwal na marangya ang pamumuhay.

Ayon kay Guillermo hindi lamang ang mga nasa BIR ang dapat na nila-lifestyle check kundi sana ay maging ang “mga citizens din na makikita natin ostentatious display of wealth.”

“(Sa) mga nakikita mo na ang kotse nila eh…. frequent travels although sa COVID time walang frequent travels, ang lalaki ng bahay and yet pagka nakita mo kung sino sila and try to match sa aming files they did not even file their returns… parang di ba duda ka. How come you have these properties, pa-explain lang naman natin,” sabi ni Guillermo.

Kasabay nito, sinabi ni Guillermo na isang task force ang kanyang bubuuin upang tignan ang mga datos ng mga social media influencer. Ang task force ay bubuuin umano ng mga data scientist.

“Alam mo meron tayong tinatawag na big data… big data yan and big data tools are already available…. Susuyurin namin, we can analyze structured data na nalalabas sa social media. Nakikita nyo naman di ba? Maraming followers means nagkaka-income sila dyan. Online sales magpa-rehistro lang sila sa BIR, mag-issue ng receipt we will be able to monitor them,” sabi ni Guillermo.

Iginiit ni Guillermo na ang pagbubuwis sa social media influencer ay hindi bago.

“Sabi ko nga no new taxes, itong sa online hindi naman new taxes yan eh if you earn income you will have to pay taxes,” punto nito.

Si Guillermo ay eksperto sa information technology. Siya ang kasalukuyang hepe ng Technology and Digital Innovation Office ng Bangko Sentral ng Pilipinas at in charge sa IT Modernization Roadmap ng BSP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?