249

Dec 15, 2017 @ 17:12
By

May artificial shortage sa barya – BSP

Hindi sa mga batang nangangaroling maaring ibunton ang sisi sa kakulangan ng kumakalat na barya.

Sinabi ni Grace Malic, deputy director ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ngayon ay nakakaranas ng artificial shortage ng mga barya.

Tiniyak nito na may sapat na suplay ng mga barya sa bansa.

Aniya ang kakulangan ay dahil sa alkansiya, sa mga vending machines at may mga nag iipon din ng mga ito sa opisina.

Banggit din ni Malic naiipon din ang mga barya sa mga donation boxes sa mga simbahan at donation cans ng mga charitable institutions.

Ayon pa sa opisyal ang matindi ang problema sa mga barya maging sa p20 ngayon ay ang mga supermarkets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?