92
eleazar
By

May-ari ng Times Bar kinunsinte ang pagbenta ng droga – Eleazar

Sharing is caring!

Posibleng kinukunsinte ng may-ari ng bar ang nagaganap na illegal sa loob ng Times Bar sa Makati matapos sugurin ng mga tauhan ng Makati Drug Enforcement Unit at masabat ang iba’t ibang klase ng illegal na droga.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, imposibleng hindi alam ng may-ari na may droga sa kanyang bar dahil maging ang manager nito, kasabwat pa ang mga staff ay nasasangkot na rin sa pagbebenta ng droga.

Nagsasagawa pa ng manhunt operation ang Makati City Police para sa pagdakip sa may-ari ng Times Bar na si Burton Joseph Server, dahil sa pagmamantine umano ng illegal na droga.

Matatandaang naganap ang buy bust operations sa nasabing high end bar alas 4:30 Sabado ng madaling araw na kung saan nakumpiska ng mga operatiba ng 19 sachet na naglalaman sa kabuuan ng 315 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P1,575,000; 15 piraso ng ecstasy capsule na may street value na P22,800; apat na ecstasy tablet; isang sachet ng high-grade kush; isang kalibre .38 na baril na kargado ng limang bala, ilang drug paraphernalia at nabawi rin ang P22,500 marked money na ginamit sa buy-bust.

Maging ang mga foreigner guest ng bar ay dinala sa police station para magbigay ng pahayag at pinalaya rin matapos na magbigay ng testimonya kaugnay sa nasaksihan nilang raid sa drugs sa loob ng bar.

Subalit nasa bitag ang may 31 empleyado ng bar dahil sa pagiging kasabwat nila sa pagbebenta ng illegal na droga na lantarang nasaksihan ng mga nagsagawa ng buy bust operations.

Kaugnay nito, sarado na ang Times Bar na matatagpuan sa Makati Avenue, Makati City habang hinihintay pa ang search warrant mula sa city hall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?