53

Feb 24, 2018 @ 16:15

May-ari ng resort, nag-demolish na ng viewing deck sa Boracay

Nagsimula nang mag-demolish ng sarili nitong viewing deck ang isang resort sa Boracay, na lumabag umano sa environmental regulations.

Nitong Sabado ng umaga, giniba na ng mga tauhan ng may-ari ng resort na si Crisostomo Aquino ang iligal na istruktura sa Sitio Diniwid, Barangay Balabag.

Ito ay matapos mag-inspeksiyon si Environment Secretary Roy Cimatu, kung saan sinabi nitong nakakasira sa likas na yaman ang viewing deck ni Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?