101

Jul 23, 2021 @ 14:44
By

May-ari ng ospital inutas ng tandem

Pinagbabaril ang isang doktor na may-ari ng isang medical facility sa North Cotabato nitong Biyernes.

Kinilala ni Pikit, North Cotabato police chief Major Mautin Pangandigan ang biktima na si Dr. Robert Cadulong, owner ng Cadulong Medical Hospital.

Napag-alaman sa imbestigasyon na naglalakad lang si Cadulong malapit sa kanilang tahanan bandang alas-5 ng madaling-araw, nang bigla na lang itong barilin ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Dineklarang dead-on-arrival si Cadulong sa mismong ospital na kanyang pagmamay-ari, matapos itong magtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Si Cadulong ay dating nagsilbing municipal health officer sa bayan ng Pagalungan at Datu Montawal.

Hindi pa naman nakikilala ang mga suspek, ngunit humarurot umano ang mga ito patungong Pagalungan matapos ang krimen. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?