147

Feb 26, 2018 @ 15:44
By

May-ari ng KTV bar sa Antipolo, tinambangan, patay

Blangko pa rin ang Antipolo Police sa naganap na pamamaril sa isang babaeng may-ari ng KTV bar matapos tambangan at paulanan ng bala habang pauwi at sakay ng kanyang kotse papasok ng gate ng subdivision, Linggo ng umaga sa Antipolo City.

Batay sa report ng Antipolo Police, naganap ang insidente bandang alas-4:54 ng umaga sa Tres Hermanas Village, Barangay Mayamot, Antipolo City habang papasok ng gate ang biktima na si Kimberly Andaya y Garing, 37, may-ari ng Unbreakable KTV bar, sakay ng Toyota Lancer na may plakang TYG 695.

Papasok na umano ang biktima nang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo at paulanan ng mga bala ang biktima.

Tadtad ng bala ang biktima na agad nitong ikinamatay nang dalhin sa Amang Rodriquez Hospital.

Ayon kay Supt. Albert Ocon, acting provincial director, kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Antipolo Police upang matukoy ang sanhi ng pananambang sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?