169
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
Jun 14, 2019 @ 17:12
By

May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan

Sa bisa ng arrest warrant, inaresto ang isang car shop owner na eighth most wanted sa San Juan, Huwebes ng hapon.

Hinuli ng mga operatiba ng San Juan City police station si Robert Fernandez, 29, sa loob ng bahay nito sa No. 4 Jose Wright Street, Barangay Batis dakong alas-4:30 ng hapon.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Judge Rosanna Romero-Malaya ng Quezon City Regional Trial Court Branch 88 para sa carnapping case ni Fernandez.

Tinaguriang No. 8 most wanted person si Fernandez matapos madiskubre na nagbebenta ito ng mga nakaw na sasakyan.

Kinasuhan si Fernandez ng paglabag sa Anti-Carnapping Law sa Quezon City RTC.

Nakalaya ito matapos magpiyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?