6

May-ari ng Cafe, 1 pa tiklo sa ecstasy

Sharing is caring!

Timbog ang dalawang lalaki kabilang na ang mag-ari ng isang café matapos makumpiskahan umano ng tableta ng ecstasy kahapon, Disyembre 11.

Nahuli ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit-Central Visayas at Regional Special Operations Group sina Richard Ngo Go, may-ari ng R Suites Café, at Neil Benjamin Yap sa Mandaue City, sa ulat ng SunStar.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?