1,578

By

May araw din! Loot baka matuluyan na sa pangatlong ambush – Duterte

Hindi pa rin naalis ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Police General at Daanbantayan,Cebu mayor Vicente Loot na isinangkot nito sa illegal drug trade.

Sa kanyang talumpati sa oathtaking ng mga bagong halal na opisyal sa Cagayan de Oro City, muling inilahad ng Pangulo ang masamang epekto ng iligal na droga sa bansa at sa bawat pamilya, pari na rin ang mga nasa likod nang pagkalat at paglakas ng illegal drug trade sa bansa.

Isa aniya si Loot sa mga heneral ng Philippine National Police (PNP) na natukoy na nasa likod ng iligal na droga.

Sinabi ng Pangulo na madulas ang alkalde kahit dalawang beses ng pinagtangkaan ang kanyang buhay, pero baka aniya sa ikatlong pagkakataon ay hindi na ito makalusot.

“That son of a bitch General Loot was ambushed twice, but the devil is still alive. Maybe on the third attempt,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na lumala ang sitwasyon ng iligal na droga sa bansa noong nakalipas na administrasyon dahil kay Loot at dating police General Marcelo Garbo, kasama na ang ilan lang heneral.

Sinabi ng Pangulo na ang mga dating narco-generals ang nagpalala sa sitwasyon kaya pati mga ordinaryong pulis ay hindi makakilos dahil sa mga ito.

“The situation worsened during Aquino’s time because of Garbo and Loot . They were the ones lording it over sa region. And even if you ask any of the policemen, they couldn’t act on it because there were nine generals involved,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?