110

May 6, 2019 @ 13:46
By

May 13 polls pwedeng ma-postpone dahil sa mga depektibong marking pen – Macalintal

Nagbabala si election lawyer at senatorial candidate Romulo Macalintal sa posibilidad na maipagpaliban ang May 13 elections kapag nabigo ang Commission on Election (Comelec) na ayusin ang mga problema kaugnay ng mga gagamiting marking pen.

Ani Macalintal, kahit pa mapalitan ng poll body ang mga bleeding pen, magdudulot pa rin ang delayed delivery ng malawakang suspensiyon ng eleksiyon.

Dagdag pa ni Macalintal, kada clustered precinct ay nangangailangan ng pitong bolpen o 595,000 sa lahat ng polling precincts nationwide, pero hindi ito dapat ideliber sa mismong eleksiyon.

“Any smudge or blot on the ballot might affect the capability of the Vote Counting Machines to read the ballots as the blot could spread to the ovals opposite the names of other candidates. The blot could also affect the back of the ballot which also contains names and positions of other candidates,” aniya.

Noong Biyernes, siniguro ng Comelec na handa sila sa anumang “last-minute” aberya dahil nasa “timeframe of election preparation” pa rin naman sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?