2,727

Dec 11, 2017 @ 10:15
By

Maxene tinalbugan si Saab sa pagpapa-sexy

Kanya-kanyang patalbugan sa Instagram account ang magkapatid na Maxene at Saab Magalona na sinamantala ang pagkakataong nasa Solaire Cabana private pool sila para mag-poste ng kani-kanilang mga photos in a bikini.

Nakapaskil sa IG wall ni Maxene ang photo niya habang nasa gilid ng pool at nakataas ang kamay, tanda nang happiness nya ng mga sandaling yun.

@maxenemagalona, “currently on fill #BrideToBemode #MAXXelorette #SolaireStaycation.”

Naka-two piece black top at high waist swim panty si Maxene, at kahit medyo conservative ang swimsuit ng aktres katakam-takam pa rin ito sa paningin ng mga kalalakihan/

Bakit kamo? Maganda ang hubog ng katawan ni Maxene. Ang kurba ng kanyang katawan ay hindi parang isang Pinay kundi Latina. Malapad man ang balakang ng aktres, sakto lang ito sa kanyang long-legs.

Sapat na ang katangiang ito para hindi puwedeng hindi pagpantasyahan at pagnasahan ng mga kalalakihan ang alindog nito.

Mas mapangahas lang ang nakababata nitong kapatid nasi Saab na kahit malaki na ang kanyang tyan sa dinadala nitong twins hindi pa rin nagpa-awat para mag-suot ng two piece bikini.

@saabmagalona, “Hello from a pregnant unicorn!”

Side view ang pagkakakuha ng shot sa nakatayong Music video jock habang nakatayo sa malapit sa pool, hawak ang kanyang malaking tummy.

Ang bubbly facial expression ni Saab ang makinis nitong balat na walang stretch marks ay sapat na para maging malinamnam ito sa paningin ng mga lalake lalo yung mga may asawa na at dumaan sa ganitong estado nang pagbubuntis ng kanilang misis.

Sa dalawang sexy photo shot ng magkapatid, mas gusto naming ibigay ang “sexiness crown” kay Saab dahil hindi siya nagdalawang isip na ipangalandakan ang preggy-sexy figure nito.

Ilan sa mga celebrities na nagpakuha nang litaw ang kanilang malaking tyan dulot ng pagbubuntis in a bikini ay sina Bangs Garcia, Toni Gonzaga, Beyonce at iba pa.

Palaging winner at hinahangaan ng netizen ang mga pregnant women na walang pakialam na magpa-sexy pa rin. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?