307

Aug 23, 2019 @ 15:06
By

Max sentence aabutin! Imposibleng makalaya si Sanchez – BuCor chief Faeldon

Nilinaw ni Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon na hindi makakalabas ng selda ang convicted murderer at rapist na si ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Sa panayam ni Faeldon sa ‘The Source’ ng CNN, sinabi nito na imposibleng makalaya si Sanchez kahit pa pasok ang kaso nito sa bagong ruling sa good conduct time allowance dahil noong 2015 ay may nalabag ito matapos makitaan ng TV at aircon unit sa loob ng kanyang selda.

“Let’s say in 2015 he has never violated any prison rules anymore, then he may be entitled to three years good conduct time allowance and it will never suffice to let him go,” saad ni Faeldon.

“As far as my appreciation of the law is concerned, it is impossible. In the next several years talagang malabo pa ‘yan, baka abutin na sya ng maximum service of his sentence,” aniya pa.

Unang napaulat na kasama ang pangalan ni Sanchez sa 11,000 inmate na posibleng makalaya dahil sa GCTA, ito’y kahit na-convict sa pagpatay at panggagahasa sa UPLB student na si Eileen Sarmenta.

Una nang sinabi ni Faeldon na posibleng hindi pasok ang kaso ni Sanchez sa GCTA dahil sa mga nagawang kasalanan nito sa loob ng selda.

“At first glance of his records here, he may not qualify for good conduct time allowance,” saad ng BuCor chief.

“Clearly ‘pag drug lord ka, hindi ka kasama sa good conduct time allowance. Pag-entitled ka pa niyan, sino pa ang good behavior dito, e di wala na?” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?