192

Dec 12, 2017 @ 17:48
By

Max-Pancho kasal bumaha ng luha

Hindi namin inaasahan na magiging sobrang emotional naman pala ang kasalang Pancho Magno at Max Collins. Si Pancho na hindi pa man nagsisimula ang wedding ay aminadong kinakabahan at sey pa sa amin, “four years na kong kabado!”

Ang four years ay ang bilang ng taon na mag-boyfriend-girlfriend sila ni Max. At dahil masyadong ‘aligaga’ si Pancho, hindi na namin nausisa ito kung bakit niya nasabing four years na siyang kabado. Bibiruin sana naming kabado ba siya na baka hindi mauwi sa kasalan ang relasyon nila.

Tila nahawa naman ang karamihan sa mommy ni Max na si Mommy Belle Abiera dahil lumalakad pa lang ito sa aisle, tingin namin ay ‘hagulgol’ na ang pag-iyak niya. At sa kabuuan ng wedding hanggang reception, ramdam naming hirap pa itong i-let go ang anak.

In a way, understandable naman kung bakit. Mag-isa lang nitong pinalaki si Max at talagang malapit sa isa’t isa ang mag-ina, kasama ang kapatid na lalaki ni Max na si Morgan. Not to mention, bata pa rin si Max at the age of 25.

Pero alam naming malapit naman sa kanyang mother-in-law na si Ms. Redgie Acuña-Magno kaya ilang beses na sinabi ni Max sa message nila sa mga magulang nila na, “Don’t cry na Mom” sa mommy niya.

Hindi na nakapagbigay ng message niya ang mommy ni Max, hindi na nito natapos ang reception dahil sobrang pagod na raw. Instead, ang tita ni Max na galing U.S. at parang pangalawang ina na talaga ni Max ang nagsalita.

Emotional din ito at nasambit kung gaano kaespesyal ang pamangkin at sana raw, alagaan ni Pancho.

Iisa ang naging conclusion namin, tila hirap ang mga kaanak ni Max na i-let go pa siya or sadyang hindi lang mapigilang maging emotional dahil ganu’n nila kamahal ang Kapuso star na mas lalong kapansin-pansin ang ganda bilang bride. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?