62

By

Max contract kahit injured: GSW susugal kina Durant, Thompson

Inaasahang hindi makakalaro sa buong susunod na season si Kevin Durant, samantalang si Klay Thompson, tantsang early 2020 pa ang kumpletong recovery.

Ngunit walang pakialam ang Golden State Warriors, handa pa ring maglustay ng pera para sa dalawa kahit pa hindi mapapakinabangan hanggang susunod na taon.

Ayon sa report ng ESPN, 5-year max contract ang itatapat ng GSW sa dalawa, hindi magpapaapekto sa natamong injury ng dalawa sa kanilang pakikipagbakbakan sa Toronto Raptors.

“It is my understanding in talking to people with the Warriors organization is that their intention is to continue and offer Kevin Durant a full 5-year max contract and to offer Klay a full 5-year max contract,” ayon kay ESPN reporter Brian Windhorst.

Si Durant, nagkaroon ng ruptured Achilles, naoperahan na ngunit matagal ang rehabilitasyon para bumalik sa dating galaw.

Habang si Thompson naman, nagkaroon ng ACL tear sa third quarter ng Game 6, pinilit pang bumalik sa laro ngunit pinalabas din agad dahil sa malubhang injury.

Sa parating na offseason, magiging unrestricted free agent na si Thompson, pwede namang tanggihan ni Durant ang kanyang $31.5M player option.

Ayon sa tatay ni Klay na si Mychal, walang balak ang anak na sumapi sa ibang koponan, panigurado umanong pipirma ulit para sa Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?