306

Dec 11, 2017 @ 21:39

Max Collins at Pancho Magno, mag-asawa na!

Mag-asawa na sina Kapuso stars Max Collins at Pancho Magno matapos ang seremonya ng kasal nila kanina sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Pawang mga sikat na artista ang bisita ng dalawa sa kanilang kasal kasama na ang kani-kanilang pamilya at mga kaibigan sa eleganteng garden set-up ng kanilang wedding venue.

Ayon sa GMA News, gawa ng Pinoy fashion designer na si Francis Libiran ang gown ni Max.

Kasama umano sa entourage ni Max sina Andrea Torres at Rochelle Pangilinan.

Ilan pang celebrities ang kasama gayan nina Sanya Lopez, Thea Tolentino, Emilio Garcia, Tom Rodriguez, Carla Abellana, Lauren Young, Lovi Poe, Tim Yap at Geoff Eigenmann.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?